KINAKAILANGAN ANG NETFLIX MEMBERSHIP.
Makipaglaban sa mga mandirigma sa buong mundo. Manaig sa ring gamit ang mga paborito mong fighter dito sa matinding version ng classic arcade game na ito.
Kontrolin ang mga iconic na fighter at subukan ang gilas mo sa hand-to-hand combat laban sa mga player sa buong mundo. Pulido sa "Street Fighter IV: Champion Edition" ang panalong formula ng orihinal na arcade game sa maraming update at pag-aangkop para sa mga mobile device. Hindi maninibago ang mga matagal nang fan ng Street Fighter, samantalang mailalagay sa landas ng tagumpay ang mga bagong player sa pamamagitan ng mga naa-adjust na setting ng difficulty.
PILIIN ANG FIGHTER MO
Pumili sa 32 magkakaibang character sa Street Fighter, kabilang ang mga bagong mandirigmang idinagdag sa laro magmula noong launch: sina Dudley, Ibuki, Poison, Guy, Gouken, Evil Ryu, Elena, Juri at Rose.
MAKIPAGTAGISAN O MAG-SOLO
Makipaggitgitan sa mga player sa buong mundo sa online multiplayer option. O, kung gusto mong pumasok sa ring nang mag-isa, piliin ang Arcade o Survival single-player mode.
TUKLASIN ANG FIGHTING STYLE MO
Kabisaduhin ang mga move sequence ng bawat fighter para gumamit ng mga unique na atake at combo, o gumamit ng SP Assist para agarang gumamit ng mga special move. Sa apat na difficulty level, pwedeng makipagbakbakan pareho ang mga beterano at bagong player.
DOON TAYO SA LABAS
Ang high-resolution graphics, wide-screen support at madaling matutunang mga kontrol sa virtual pad ay ikinagaganda ng karanasan sa paglalaro sa mga mobile device. Magkonekta ng controller para gawing next level ang game mo (tandaang hindi ito gagana sa mga menu — sa mga laban lang).
- Gawa ng Capcom.
Pakitandaan na ang impormasyon sa Kaligtasan ng Data ay nalalapat sa impormasyong kinokolekta at ginagamit sa app na ito. Tingnan ang Pahayag sa Privacy ng Netflix para matuto pa tungkol sa impormasyong kinokolekta at ginagamit namin sa mga kontekstong ito at sa iba pang konteksto, kabilang ang impormasyong kinokolekta at ginagamit sa pagpaparehistro ng account.
Na-update noong
Abr 16, 2025